activities

11 minutes ago

General Nakar, Quezon
GNQ: IN FOCUSTINGNAN | Sa kabila ng pandemyang ating nararanasan, patuloy ang pagsusumikap ng ating Lokal na Pamahalaan sa mahusay na liderato ng mapagkalingang ama ng bayan, Kgg. Esee Ruzol, na tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng Community Development program ng GN Siad, nakapagkaloob po tayo sa Barangay Sablang ng mga materyales para sa proyektong Spring Development Assistance, na naglalayong makatulong upang magkaroon ang ating mga kababayan ng mapagkukunan ng malinis na tubig.Malugod na tumanggap ang Barangay Sablang ng mga sumusunod: 20 sakong semento, steel bars, hose, plywood, tie wire, mga pako, solvent, coupling, teflon at waterproofing potable water tank.Sa pinakamabilis, mahusay at matinong pamamaraan, patuloy na ihahatid ng ating Punong Bayan at ng Lokal na Pamahalaan ang tapat na serbisyo para sa ating bayan.#GNQInFocus #GNQLGUInAction #actionmanmayoresee #NakarinKayaNatin #nakarinchampiontayo #springdevelopmentassistance #CommunityDevelopmentProgram #MahusaynaPagtutulungan #WeHealAsOne #WeRecoverAsOne #StrongerTogether #DisiplinaMuna ... See MoreSee Less
View on Facebook
GNQ: IN FOCUSTINGNAN | Sa ilalim ng mahusay at mapagkalingang pamumuno ng ating Punong Bayan, Kgg. Esee Ruzol, nakapagkaloob ang Lokal na Pamahalaan ng General Nakar ng mga materyales para sa patubig at proyektong Spring Development Assistance ng GN Siad bilang bahagi ng Community Development Program ng naturang tanggapan. Narito ang mga larawang kuha sa paghahatid ng 20 sakong semento, steel bars, hose na may iba't ibang sukat, plywood, tie wire, mga pako, solvent, coupling at teflon sa Brgy. Maligaya. Patuloy lamang po tayong magtiwala na sa pangangalaga ng ama ng ating bayan, proyektong patubig at iba pang programang tutugon sa pangunahin nating pangangailangan ay siguradong makakamtan.#GNQInFocus #GNQLGUInAction #actionmanmayoresee #NakarinKayaNatin #nakarinchampiontayo #springdevelopmentassistance #CommunityDevelopmentProgram #MahusaynaPagtutulungan #WeHealAsOne #WeRecoverAsOne #StrongerTogether #DisiplinaMuna ... See MoreSee Less
View on Facebook

17 hours ago

General Nakar, Quezon
PABATID | Sa pinakahuling anunsyo mula sa Malacañang, buong lalawigan ng Quezon na ang isasailalim sa General Community Quarantine o GCQ dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19. Magtatagal ito hanggang sa katapusan ng buwan ng Abril. Kaugnay nito, mahigpit pa ring ipatutupad ang mga nauna nang inilabas na alituntunin. Inaasahan po ang kooperasyon at mahigpit na pagtalima ng bawat isa para sa ating kaligtasan. Salamat po.#GCQ #WeHealAsOne #WeRecoverAsOne #NakarinKayaNatin #nakarinchampiontayo #DisiplinaMuna ... See MoreSee Less
View on Facebook

23 hours ago

General Nakar, Quezon
DAILY COVID19 MONITORINGas of April 11, 2021, 10:00 AMBREAKING NEWS | Isang (1) bagong kumpirmadong kaso ng COVID19 ang naitala sa bayan ng General Nakar ngayong araw. Nagsasagawa na po ang ating local IATF ng maigting na contact tracing.Inaasahan ang dobleng pag-iingat at mahigpit na pagsunod ng bawat isa sa mga health protocols upang maiwasan ang paglaganap ng sakit. Patuloy din nating pairalin ang disiplina at pagkakaisa, upang ang krisis na dulot ng COVID19 ay maiwasan natin.#Covid19Update #WeHealAsOne #StrongerTogether #DisiplinaMuna ... See MoreSee Less
View on Facebook
PANOORIN | Ano nga ba ang dapat gawin kapag ang isa sa ating mga kasama sa tahanan ay infected ng Covid19? Paano nga ba pangalagaan ang isang taong tinamaan ng sakit na ito?Sabay-sabay nating alamin sa pamamagitan ng libreng Webinar na ito sa pangunguna ng Philippine General Hospital at Santuario de San Antonio Parish na may paksang "What to do when COVID-19 Gets Home: Solutions for the Current Surge".#FightAgainstCOVID #WeHealAsOne #WeRecoverAsOne #DisiplinaMunafb.watch/4N5yGng6wE/ ... See MoreSee Less
View on Facebook
PANOORIN | Halina't balikan ang ilan sa mga tampok na eksena sa naging pagbisita ng GN Siad sa Sitio Dadyangaw sa Barangay Umiray upang hikayatin ang ating mga kapatid na katutubo mula sa nasabing lugar na magbuo ng organisasyon at sama-samang magtanim ng mga puno bilang bahagi ng Nursery Establishment and Enhanced Forest Protection program. Sa ilalim ng programang ito, ang mga kasapi ng organisasyon ay mabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng alternatibong pangkabuhayan mula sa mga punong kanilang itatanim, palalakihin at aalagaan. Bukod dito, sa tagubilin ng ating Punong Bayan, Kgg. Esee Ruzol, namahagi din sila ng ayuda sa ating mga kababayan doon. Mainit na pagtanggap naman ang naging sukli ng ating mga kapatid na katutubo sa programa, serbisyo at ayudang inihatid sa kanila.Dagat at ilog man ay tatawirin, malalayong Sitio at Barangay ay aabutin, upang bawat serbisyo, ayuda at programa’y mailapit sa bawat Nakarin.#IPOutreachActivity #NakarinKayaNatin #ChampionTayoNakarin #SitioDadyangaw #WeHealAsOne #WeRecoverAsOne ... See MoreSee Less
View on Facebook
DAILY COVID19 MONITORINGas of April 9, 2021, 6:00 PM PABATID | Wala po tayong naitalang bagong suspect o probable case ngayong araw at mayroon naman po tayong anim (6) na active confirmed cases. Bukod dito, mayroon din tayong 35 na pending laboratory result.Doblehin pa natin ang pag-iingat upang maiwasan ang paglaganap ng sakit. Paigtingin natin ang pagsunod sa mga itinakdang health protocols gaya ng pagsusuot ng facemask, palagiang paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng physical distancing.Nakarin, may disiplina at pagkakaisa.Kaya ang COVID19, walang puwang sa atin!#WeHealAsOne #StrongerTogether #NakarinKayaNatin #DisiplinaMuna #nakarinchampiontayo ... See MoreSee Less
View on Facebook
DAILY COVID19 MONITORINGas of April 8, 2021, 6:00 PM PABATID | Wala po tayong naitalang bagong suspect o probable case ngayong araw at mayroon naman po tayong anim (6) na active confirmed cases. Bukod dito, mayroon din tayong 35 na pending laboratory result.Doblehin pa natin ang pag-iingat upang maiwasan ang paglaganap ng sakit. Paigtingin natin ang pagsunod sa mga itinakdang health protocols gaya ng pagsusuot ng facemask, palagiang paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng physical distancing.Nakarin, may disiplina at pagkakaisa.Kaya ang COVID19, walang puwang sa atin!#WeHealAsOne #StrongerTogether #NakarinKayaNatin #DisiplinaMuna #nakarinchampiontayo ... See MoreSee Less
View on Facebook
HOLIDAY ADVISORY | Walang pasok bukas, ika-9 ng Abril, 2021, sa buong bansa bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan. Alinsunod sa Proclamation No. 986, regular holiday ang araw na ito. Dahil dito, sa darating na Lunes, ika-12 ng Abril, 2021, na muling magbubukas ang mga pampublikong tanggapan para sa normal nitong operasyon.#WalangPasok#stayathome#DisiplinaMuna ... See MoreSee Less
View on Facebook
PABATID | Ngayong nasa ilalim ang ating bayan sa General Community Quarantine, narito po ang mga mahahalagang detalye na dapat nating sundin at tandaan alinsunod sa inilabas na Executive Order No. 16 Series of 2021 ng Pamahalaang Panlalawigan, gayundin sa nauna nang ilabas na Memorandum Order Bilang 2021-07 ng ating bayan.Inaasahan po ang kooperasyon at mahigpit na pagtalima ng lahat para sa kaligtasan ng ating buong bayan. Panatilihin po natin ang pagkakaisa at disiplina upang ang krisis na dulot ng COVID19 ay maigpawan natin. Maraming salamat po.#GCQGuidelines #NakarinKayaNatin #nakarinchampiontayo #DisiplinaMuna ... See MoreSee Less
View on Facebook
GNQ: IN FOCUSTINGNAN | Malugod na tinanggap ng mga Punong Barangay kahapon, ika-7 ng Abril, 2021, ang iba't ibang mga binhi at buto ng gulay, gayundin ang organikong pataba para sa kanilang communal garden. Ang mga ito ay mula sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor at bahagi ng patuloy na pagsusulong ng ating Punong Bayan, Kgg. Esee Ruzol, sa organikong pagsasaka, sa pamamagitan ng inilunsad na patimpalak sa bawat barangay na "Champion Tayo, Nakarin: Search for 2021's Barangay Champion."Layunin ng ating Lokal na Pamahalaan na patuloy nating palawakin ang ating kaalaman sa agrikultura at higit pang pagyamanin ang mga pamamaraan ng pagsasaka dahil makatutulong ito sa pag-unlad ng ating bayan at bansa. Organikong pagsasaka ay ating isulong, upang bawat isa ay maging tunay na champion!#GNQInFocus #GNQLGUInAction #ActionManMayorEsee #NakarinChampionTayo #MahusaynaPagtutulungan #WeHealAsOne #WeRecoverAsOne #StrongerTogether #DisiplinaMuna ... See MoreSee Less
View on Facebook
PABATID | Paano pangalagaan ang isang taong may mild o moderate symptoms ng COVID-19?Sundan ang guide na ito para malaman kung ano ang tamang mga steps! Tandaan, sa ating pangangalaga sa ating mga mahal sa buhay kailangan paring sundin ang BIDA Steps! Let's #BIDASolusyon Plus sa COVID-19! ... See MoreSee Less
View on Facebook
DAILY COVID19 MONITORINGas of April 7, 2021, 6:00 PMBREAKING NEWS | Dalawang (2) bagong kumpirmadong kaso ng COVID19 ang naitala sa bayan ng General Nakar ngayong araw. Nagsasagawa na po ang ating local IATF ng maigting na contact tracing.Inaasahan ang dobleng pag-iingat at mahigpit na pagsunod ng bawat isa sa mga health protocols upang maiwasan ang paglaganap ng sakit. Patuloy din nating pairalin ang disiplina at pagkakaisa, upang ang krisis na dulot ng COVID19 ay maiwasan natin.#Covid19Update #WeHealAsOne #StrongerTogether #DisiplinaMuna ... See MoreSee Less
View on Facebook

5 days ago

General Nakar, Quezon
TINGNAN | Nagpulong ngayong araw, ika-07 ng Abril, 2021, ang Municipal Development Council sa ating Bahay Pamahalaaan upang pag-usapan ang tatahaking direksiyon ng ating bayan sa ilalim ng mahusay na pamumuno ng ating Punong Bayan Kgg. Esee Ruzol.Unang tinalakay sa pulong ang mga iiral na alituntunin sa bayan ng General Nakar na opisyal nang isinailalim sa General Community Quarantine ng Provincial IATF. Asahan ang mas mahigpit na pagpapatupad ng minimum health standards sa ating bayan maging ang bagong curfew hours na magsisimula na ng 8 PM at magtatapos ng 4AM.Kasunod nito ay inilahad naman ni MPDC Engr. Arnulfo Tena ang planong paglalagakan ng pondo ng ating bayan sa taong 2022 sang-ayon sa ating Annual Investment Plan 2022 mula sa ibat ibang tanggapan. Isinasagawa ang mga ganitong pagpupulong upang masiguradong transparent ang ating pamunuan lalo’t higit sa usapin ng paglalaan ng pondo sa lahat ng proyektong pambayan na isang tatak ng mahusay na pamamahala.Idinagdag naman ng ating Punong bayan ang aniya'y frontline projects sa ilalim ng kanyang pamumuno. Kabilang dito ang ‘concreting of roads and bridges’, maging ang ‘repair and rehabilitation’ ng mga ito upang higit na makatulong sa ating mga manlalakbay at mga magsasaka. Dagdag pa dito ang nakaambang ‘dredging project’ na direktang pakikinabangan ng maraming Nakarin partikular na ang mga barangay sa Kabilugan at Ilaya cluster. Ang nasabing proyektong ito ay inaasahang magdudulot ng isa pang proyektong ‘municipal port’ na kasama din sa pangmatagalang bisyon ng ating Action Man. Pagkatapos nito ay inihain sa lupon ni Sangguniang Bayan member, Kgg. Diego Suaverdez, ang ordinansang magpapatibay ng mga binuong plano ng ating Lokal na Pamahalaan partikular ang CLUP, FLUP at CDP. Binigyang-linaw naman nina MPDC Engr. Arnulfo Tena at MENRO For. Jing Astejada ang detalye ng mga planong nabanggit.Patuloy lamang po tayong magtiwala sa mahusay na liderato ng ating Punong Bayan. Sa pinakamabilis, matino at mahusay na pamamaraan, ay makakamit natin ang kaunlaran ng ating bayan, sa kabila ng pandemyang ating nararanasan.#MDCMeeting #ActionManMayorEsee #NakarinKayaNatin #NakarinChampionTayo #MgaPlanoParasaKaunlaranngBayan #DisiplinaMuna ... See MoreSee Less
View on Facebook
PAALALA | Umiwas sa SKERI activities!Ang sama-samang pagkain sa opisina, lalo na sa mga kulob na lugar, ay maaaring pagsimulan ng impeksyon!Lunch time is alone time muna! Let's make safe decisions and #BIDASolusyon Plus sa COVID-19! ... See MoreSee Less
View on Facebook
PABATID | Sipi ng Executive Order No. 16 Series of 2021 mula sa Pamahalaang Panlalawigan na naglalahad ng mga patakarang iiral sa ilang mga munisipalidad sa ating lalawigan kabilang na ang bayan ng General Nakar na nasa ilalim ngayon ng General Community Quarantine o GCQ. Inaasahan ang mahigpit na pagtalima ng lahat. Maraming salamat po.#Covid19Update #WeHealAsOne #StrongerTogether #DisiplinaMuna ... See MoreSee Less
View on Facebook
PABATID | Batay sa inilabas na Executive Order No. 16 Series of 2021 ng ating Pamahalaang Panlalawigan, at sa naganap na pagpupulong ng Provincial Inter-Agency Task Force (IATF) against COVID-19 kahapon, April 6, 2021, ang mga sumusunod na mga bayan ay isasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) mula April 7 hanggang April 21, 2021 dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan. Kabilang po dito ang bayan ng General Nakar.1. San Antonio2. Infanta3. Macalelon4. Candelaria5. Gen. Nakar6. Tayabas7. Dolores8. Sariaya9. Lucban10. Real11. Pagbilao12. Tiaong13. Guinayangan14. Polillo15. Mauban16. Alabat17. GumacaAbangan po ang susunod pang anunsyo tungkol sa mga iiral na patakaran sa ilalim ng GCQ. Inaasahan po ang kooperasyon at mahigpit na pagtalima ng bawat isa para sa ating kaligtasan. Salamat po.#GCQ #provincialiatf #WeHealAsOne #WeRecoverAsOne #NakarinKayaNatin #nakarinchampiontayo #DisiplinaMuna ... See MoreSee Less
View on Facebook
DAILY COVID19 MONITORINGas of April 6, 2021, 6:00 PMPABATID | Magandang balita, Nakarins! Nakapagtala po muli tayo ng apat (4) pang bagong recoveries sa ating bayan ngayong araw. Ito ay sina CC #50, 57, 58 at 59 matapos nilang makumpleto ang itinakdang quarantine period. Sa kasalukuyan, apat na lamang ang ating active confirmed case.Doblehin pa natin ang pag-iingat upang maiwasan ang paglaganap ng sakit. Paigtingin natin ang pagsunod sa mga itinakdang health protocols gaya ng pagsusuot ng facemask, palagiang paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng physical distancing.Nakarin, may disiplina at pagkakaisa.Kaya ang COVID19, maiigpawan natin!#WeHealAsOne #StrongerTogether #NakarinKayaNatin #DisiplinaMuna ... See MoreSee Less
View on Facebook
TINGNAN | Katatapos lamang ganapin ngayong araw, ika-6 ng Abril, 2021, ang pagpupulong ng Quezon Provincial Inter-Agency Task Force upang talakayin ang kasalukuyang sitwasyon ng COVID19 sa ating lalawigan. Pinangunahan ng ama ng lalawigan, Gobernador Danilo Suarez, tinalakay sa pulong ang rekomendasyon na isailalim ang ilang munisipalidad sa ating lalawigan, kabilang na rito ang bayan ng General Nakar, sa General Community Quarantine upang masugpo ang pagtaas ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID19 sa buong lalawigan ng Quezon. Dumalo sa pulong na ito ang miyembro ng Quezon Provincial IATF na kinabibilangan ng mga Punong Bayan ng bawat bayan sa ating lalawigan. Mula naman sa Lokal na Pamahalaan ng General Nakar, nakiisa sa nasabing pulong ang ating Punong Bayan, Kgg. Esee Ruzol at MIO Lea Villanueva.Mag-antabay po tayo sa mga susunod pang mga anunsyo kaugnay nito. #provincialiatfmeeting #GCQ #MahusaynaPagtutulungan #WeHealAsOne #WeRecoverAsOne #DisiplinaMuna ... See MoreSee Less
View on Facebook
PABATID | ALAMIN ANG TAMANG IMPORMASYON!Ikaw ba ay na-expose sa COVID-19?Mag-ISOLATE kung nakakaramdam na ng sintomas!Ang lahat ng mga CLOSE CONTACT ay agad na kailangan i-QUARANTINE upang i-monitor ang kalusugan!Isa kang close contact kung ikaw ay:✅ May malapitang interaksyon sa taong may COVID-19 na tumagal ng higit sa 15 minuto✅ May direktang pisikal na contact sa taong posible o kumpirmadong may COVID-19✅ May interaksyon sa taong may COVID-19 habang walang suot na protective equipmentAgad na tumawag sa inyong Barangay Health Emergency Response Team at sila na ang mamamahala sa inyong posibleng testing o referral!Let's #BIDASolusyon Plus sa COVID-19! ... See MoreSee Less
View on Facebook
2014 Women's Month Celebration

"Juana, ang Tatag Mo ay Tatag Natin sa Pagbangon at Pagsulong!'

56 Photos

Gen. Nakar Historical-Marker

The National Historical Commission of the Philippines has granted the Historical Marker for Gen. Guillermo P. Nakar and it was unveiled on June 10,2012 at the municipal grounds in Brgy. Anoling, General Nakar, Quezon.

13 Photos

General Nakar and Makati City – United

Officials from the Local Government of General Nakar, Quezon lead by Municipal Mayor Leovegildo “Obing” Ruzol and Vice Mayor Jose Lareza were in Makati City last November 23, 2011 for the signing of the Agreement for the Establishment of the Twinning Relationship between the two local governments. Both share a common desire to promote and foster strong special ties, mutual understanding, friendship and goodwill and share the same intention of creating an atmosphere in which economic and community development can be implemented and strengthened. These common interests can only be achieved through exchanges in science and technology, culture and arts, tourism, planning and urban development, commerce/trade and industry, education and sports development, environmental protection, public health and social services which both local governments are willing to give to each other. And on the same day, November 23, 2011, Mayor Ruzol and Mayor Binay signed the said agreement marking the establishment of a twinning relationship between the Municipality of General Nakar and the City of Makati.

7 Photos

Run For Sierra Madre

Environmental protection is one of the primary programs of the Local Government of General Nakar. And together with it's neighbour municipalities Infanta and Real, the Run For Sierra Madre was conducted last December 10, 2011. Originally suggested by our partner from the 76th Infantry Battalion of the Philippine Army Lt. Col. Edmundo Peralta during one of the General Nakar Municipal Peace and Order Council Meeting, the said activity planning was then initiated by the Local Government of General Nakar. It was a 21Km half marathon which started at Brgy. Capalong in Real going to Infanta and finished at the Municipal Grounds in Brgy. Anoling in General Nakar. This activity aims to promote environmental awareness and tourism in the area especially the protection of our Sierra Madre Mountains which a large part stretches along the Municipality of General Nakar. Civilians and other organizations and other agencies like the PNP also took part of the event and is generally successful and will most likely be done again in the future.

24 Photos